I don’t know why this has 100% Excellent reviews here??? Seriously!!!
I will say this is in Tagalog to fully express my disappointments—
1. Rusty faucet sa lababo, yung tipong ayaw mo na magtoothbrush nakakadiring tingnan (see photos)
2. Pillows — ay grabe! Swerte mo na kung foamed and makuha mo, otherwise, kung hindi matigas, hindi mo maintindihan kung anong laman ng unan nila, feeling ko parang mga dahon ang nasa loob! KADIRI!!!
3. Bedsheets —- mapupunit na sa sobrang nipis!
4. Yung blankets? Kasing nipis and kupas na mga prints sa sobrang luma na!!! Bwisit! At take note, kung hindi ka hihingi ng kumot hindi ka rin bibigyan.
5. Bathroom — imagine yung sa mga horror films and bathroom na kinalawang na ang gripo, yellow na ang walls, walang Bidet!!! But the jurrasic tabo! Syempre banyo na nandun na rin ang toilet, so basa ang floor ALL THE TIME!
6. WALANG TOILETRIES! Walang complimentary sabon, shampoo, toothbrush/paste!!! So kung magbabayad man lang din ako ng 6,500/night sa room (good for 8pax)? Tapos ganito naman ka walang kwenta ang tutulogan ko? HINDI NA!!!!
7. WALANG TOWELS!!! If i am a backpacker and is looking for a night to stay in a beach house resort such as this? Paano ako maligo ng walang towel?!
8. Free breakfast daw?? So yun na yun? Coffee, pandesal, sopas? Isang oras lang??? Nagkape lang ako , pumunta sa beach pagbalik ko “la na”! Ligpit na bfast table! Ano yun?
9. Spoon & Fork — imagine fork na manipis na baluktot na!? Spoon na manipis na halos masugat na gilagid at labi mo pagsusubo sa sobrang nipis at talas? Di hayop ang guests nio oi!
10. Beach — ayaw ko sa seabed landscape sa parteng eto, ang panget ng dagat! Ang layo na ng nilakad ko hanggang tuhod pa lang ang tubig! Ok lang sana kung ganon basta maputi ang buhangin, e kaso hindi! Ewan!!!
11. They don’t serve food! Papabili ka sa labas, sa Andoks, etc! Basta nakaka disappoint kayo!
So don’t be fooled by excellent reviews! This is the WORST resort I have ever been to!
Beach front nga! Hindi lang naman beach ang pinunta ko, i wanted to unwind, to relax, pero how could that happen when even the room is all messed up and failed my expectations!
Sana mabasa ‘to ng management ng Beach House Punto Miguel in Laiya, Batangas.
Wag lang puro kita ang atupagin nio ha, mag inspect din kayo sa mga rooms nio if it’s livable!
Hindi biro ang magbayad ng 6500/night tapos ganyan ka salaula ang accommodation nio? No way man!!! Not cool!BULOK NA RESORT MO, PAAYOS MO NAMAN!